Ang mga sinaunang tao ay matatalino at mapamaraan sapagkat nagawa nilang mabuhay sa loob ng mahabang panahon ng walang kahit na anumang pormal na pag-aaral sa mga bagay-bagay. Lahat ng kanilang mga naimbento ay bunga ng personal nilang karanasan sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan at pakikipaglaban sa mga likas na yaman at suliranin na galing mismo sa kapaligirang pinamumuhayan. Masasabi ko na, talagang matibay ang kagustuhan ng mga sinaunang tao na mabuhay dati kahit wala silang kahit na ano, kahit damit, permanenteng tahanan at maging pagkain.