IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Halimbawa ng Konkreto at Di-Konkretong Pangngalan
Konkreto:
- itlog
- libro
- lapis
- kalan
- papel
- lamesa
- upuan
- pinto
- sapatos
- medyas
- pantalon
- kumot
- unan
- tuwalya
- pinggan
- larawan
- salamin
- pandakot
- bundok
- bulaklak
- blusa
- panyo
Di-Konkreto:
- kagandahan
- buhay
- tiwala
- kasipagan
- dedikasyon
- katapatan
- pag-ibig
- talino
- enerhiya
- kinabukasan
- kaginhawaan
- katahimikan
- paggalang
- kalusugan
- kadakilaan
- galit
- takot
- kabutihan
- panalangin
- kasamaan
- kalinisan
- kapayapaan
Ano ang konkreto at di-konkretong pangngalan?
Ang konkreto at di-konkreto ay ang dalawang uri ng pangngalang pambalana. Ang pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng pangngalan. Ito ang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari na hindi partikular o tiyak. Nagsisimula rin ito sa maliit na titik.
- Ang konkreto ay tumutukoy sa mga pambalana na nakikita, nahihipo o nahahawakan. Ito ay gumagamit ng pandama upang mabigyang pansin. Ito ay tinatawag din na tahas.
- Ang di-konkreto naman ay tumutukoy sa mga ideya, saloobin o damdamin. Ito ay tinatawag din na basal.
Kahulugan ng Pantangi at Pambalana:
https://brainly.ph/question/133335
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.