Ang likas na kapaligiran ang pangunahing dahilan sa pagpili o pagkakaroon ng uri ng pangkabuhayan ng mga tao sa isang lugar. Sa likas na kapaligiran nakasalalay ang ikinabubuhay ng mga tao dahil ito ang pinagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na ikinabubuhay at ng kanilang ikinakalakal din para matugunan ang mas malaki pa nilang pangangailangan.
Hindi makatarungan na gumawa ng mga hakbang sa pag-unlad at isawalang bahala ang kapaligiran sapagkat ang mga tao din naman ang mahihirapan kapag maniningil o bibigay ang mga likas na yaman gaya ng pagkakaroon ng matinding polusyon, mga kalamidad at marami pang iba. Kaya nararapat pa rin na isaalang-alang ang mas makabubuti sa kapaligiran.