IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ano ang kasingkahulugan ng salitang marami?

Sagot :

Marami

Ang kasingkahulugan ng salitang marami ay sagana at ang kasalungat naman nito ay kaunti o kakarampot.

Hal.

  • Ang aming probinsya ay sagana sa mga prutas tulad ng mangga at pinya.

  • Marami na ang nabibiktima ng isang bagong sindikato sa aming lugar.

  • Kakarampot lamang ang ibinigay niyang pagkain sa mga bata.

Ang kasingkahulugan ay tinatawag ding synonyms sa ingles, ito ay mga salitang may parehas na ibig sabihin.

  • maganda - marikit
  • makupad - mabagal
  • mabilis - matulin
  • mapalad - maswerte
  • sikat - tanyag
  • likha - katha
  • likas - natural
  • tuwid - diretso
  • tahimik - payapa
  • madumi - madungis
  • maayos - mabuti
  • kalat - dumi
  • tangis - iyak
  • tiyak - sigurado

Ang magkasalungat naman ay mga salitang kabaliktaran ang ibig sabihin. Sa ingles naman ay tinatawag itong antonyms.

  • mabagal - mabilis
  • mahaba - maiksi
  • malaki - maliit
  • publiko - pribado
  • makalat - malinis
  • mali - tama
  • aksidente - sadya
  • duwag - matapang
  • matanda - bata
  • tahimik - maingay
  • madumi - malinis
  • mainit - malamig
  • masaya - malungkot

Ang pag-aaral ng mga kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita ay makakatulong sa ating pagpapahayag nang mas mahusay at mas malinaw. Makakatulong din ito na mapabuti ang ating pagsusulat.

Bisitahin ang link na ito para sa iba pang impormasyon:

  • brainly.ph/question/2727055

#SPJ5