Hindi maikakaila sa kasalukuyan na ang telebisyon ay parte na ng bawat pamilyang Pilipino gaano man kahirap ang mga ito. Sa maya't mayang pagtutok sa telebisyon, nararapat lamang na ang bawat isa sa atin ay maging mapanuring manonood. Ang pagiging bukas ng isipan ang nakakatulong sa mga manonood upang mas maproseso nila ng tama ang mga napapanood upang magamit ito sa pinakamabuting paraan.