Ang mga guhit na patayo (mga linyang tumatakbo sa direksiyong pahilaga o patimog) ay tinatawag na meridyan. Ang distansiya sa pagitan ng mga meridyan ay tinatawag na longhitud. Ang pangunahing meridian na matatagpuan sa 0 digri ay ang Prime Meridian o punong meridyan. Hinahati nito ang mundo sa Silangang Hemispero at Kanlurang Hemispero. Dumadaan ang punong meridyan sa Greenwich sa Inglatera kung kaya't kilala rin ito sa tawag na Greenwich Meridian. Ang isa pang linyang meridyan na dumadaan naman sa 180 digri, ang sukat na katapat ng punong meridyan, ay ang International Date Line. Dito sa linyang ito nangyayari ang pagpapalit ng oras at araw ng mundo.
--
:)