IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

ano ang mga institusyon ng lipunan?

Sagot :

Ito ang mga pangunahing institusyon sa halos lahat ng lipunan ay ang matatagal ng sistema na siyang bumubuo sa paglago ng isang lipunan. Ang mga institusyon ng lipunan ay ang:

  1. Pamilya
  2. Pamahalaan
  3. Paaralan
  4. Simbahan

Pamilya

Ang pamilya ang natural na institusyon ng lipunan. Ito ang bumubuo ng populasyon sa bawat pamayanan. Nagiging marami sa paglipas ng panahon, nakakabuo ng mga samahan at nagkakaisang layunin.

Kapag naging malaki na ang pamilya sa isang lugar at nakabuo na ng mga batas, pumapasok na dito ang pamahalaan. Sa katunayan, ito ay masasabing malaking pamilya, organisado ito dahil mayroong mga batas at patakaran na dapat sundin ng mga nasasakupan.

Ang kahalagahan ng pamilya ay higit na binigyang-pansin sa link na ito: https://brainly.ph/question/136988.

Pamahalaan

Ito ang institusyon ng lipunan na naglalaan seguridad, organisasyon para sa mamamayan nito. Ang bawat estado ay mayroong iba't-ibang pamahalaan na nagbibigay ng hiwalay na limitasyon at sakop.

Basahin ang link na ito sa iba pang republika at demokratiko: https://brainly.ph/question/298436.

Paaralan

Ang paaralan naman ang magsisilbing tagahubog ng kaisipan ng bawat mamamayan. Nagiging matatag ang isang pamahalaan kapag edukado ang bawat mamamayan nito. Ang institusyon ng lipunang ito ang nagsisilbing training ground para sa pagpasok ng isa sa tunay na mundo sa lipunan.

May pagkakaiba ang paaralan noon at ngayon ay mababasa sa link na ito: https://brainly.ph/question/298436.

Simbahan

Ang simbahan naman ay pumapatnubay sa bawat pamilya at indibidual upang kilalanin ang espiritual na pangangailangan ng bawat isa. Kaya ang pinakalayunin nito ay upang masapatan ang pangangailangang espiritual ng bawat tao, mapanatili ang mataas na pamantayang moral, at makikilala na ang lipunan ay nagmula sa Diyos.