Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o
rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa
kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa. Makikita ang mga hanay ng bundok, bulubundukin, disyerto, ilog, dagat, look, at golpo.
Ang susunod ay ilan lang sa mga tampok na mga anyong tubig at anyong lupa sa sinaunang kabihasnan ng daigdig:
Anyong Tubig
Nile River
Amazon River
Yangtze River
South China Sea
Mediterranean Sea
Caribbean Sea
Bering Sea
Arabian Sea
Bay of Bengal
Hudson Bay
Gulf of Mexico
Persian Gulf
Anyong Lupa
Greenland
Madagascar
Borneo
Mt. Everest
Mt. Kilimanjaro
Sahara Desert
Himalayas Mountain Range
Andes Mountain Range
Appalachian Mountain Range
Tibetan Plateau
Scandanavian Peninsula
Arabian Peninsula
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.