Ang tusong katiwala ay isang parabula tungkol sa isang katiwala na gustong paalisin ng kanyang amo.
Narito ang buod ng kwento.
Ang
Tusong Katiwala : Ang Buod
Noong unang panahon, may isang katiwala na gusto ng paalisin ng kanyang
amo dahil diumano ay hindi maganda ang pamamalakad nito sa mga ari-arian. Kaya
bago siya pinaalis ay hiningan muna siya ng ulat ng pangangasiwa. Nag-alala ang
katiwala dahil wala naman siyang ibang alam gawin maliban sa pangangasiwa
kaya't tinipun niya lahat ng nagkautang sa kanyang amo at ginawan ng kasulatan
ang mga utang nito ngunit sinigurado niyang mas maliit ang utang na nakatala sa
kasulatan kaysa sa tunay na utang nito para kung matanggal man siya sa trabaho
ay may iba pang tatanggap sa kanya. Natuwa naman ang kanyang amo sa mga
natanggap na ulat mula sa kanya. Ang ipinahihiwatig ng parabulang ito ay ang pagpapahalaga sa tiwalang
ipinagkaloob sa iyo. Mas higit kang pagkakatiwalaan sa malalaking mga
bagay kung naipakita mong mahusay ka kahit sa maliliit lamang.