IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Abraham Harold Moslow
Si Abraham Harold Maslow, o mas kilala bilang Abraham H. Moslow, ay ipinanganak noong Abril 1, 1908 sa New York, Estados Unidos. Siya ay isang kilalang Amerikanong psychologist at philosopher na kinikilala sa kanyang mga naging ambag at kontribusyon tulad ng kanyang teorya na Hierarchy of Needs sa larangan ng Sikolohiya. Sa kasalukuyan ay ginagamit bilang sanggunian ng mga sikolohiya ang kanyang teorya,
Si Maslow ay nagtapos sa Unibersidad ng Wisconsin ng kursong sikolohiya at Gestalt na sikolohiya sa New School for Social Research sa New York City. Dahil sa kanyang pagkahilig sa mga sa buhay ng tao, ang kanyang mga naging ambag sa larangan ng sikolohiya ay may kinalaman dito. Ang uri ng sikolohiya na ito ay ang tinatawag na humanistic psychology o mas kilala bilang "third force"
Siya ay nakapaglathala ng mahigit sa sampung aklat na may kinalaman sa Sikolohiya. Ang ilan sa mga ito ay ang Motivation and Personality na inilimbag noong 1954 at ang Toward a Psychology of Being na inilathala noong 1962.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Abraham Maslow https://brainly.ph/question/1724529
Hierarchy of Needs
Ang isa mga sikat na ideya o konsepto na naiambag ni Moslow sa Sikolohiya ay ang Hierarchy of Needs. Ayon dito, ang tao ay mayroong hirarkiya ng pangangailangan ang tao upang maabot o makamit ang kaligayahan na tinatamasa sa buhay.Ito ay ang mga sumusunod:
- Physiological Needs o Pisyolohikal na Pangangailangan
- Safety Needs o Kaligtasan na Pangangailangan
- Belongingness and Love Needs o Pangangailgan na makisalamuha, mapabilang o mapasapi at mahalin
- Esteem Needs o Pangangailangang mabigyan ng Pagpapahalaga ng Ibang tao
- Self Actualization o Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao
Physiological Needs o Pisyolohikal na Pangangailangan
Ito ay matatagpuan sa pinakamababang antas sa tatsulok. Ayon kay Moslow, ito ang unang pangangaiangan na dapat mapunan upang maabot ang pinakamataas na bahagi ng tatsulok. Kung ito ay hindi mapupunan ay hindi rin makakamit o mararating ang iba pang antas ng pangangailangan. Ang ilan sa mga pangangailangang ito ay ang mga sumusunod:
- Paghinga
- Pagkain
- Pagtulog
- Iba pang Biyolohikal at Pisikal na Pangangailangan
Hal: Kailangan ng tao ng hangin, tubig, at pagkain upang mabuhay. Kapag wala ang mga ito ay hindi magtatagal ang tao sa mundo.
Safety Needs o Kaligtasan na Pangangailangan
Ito ang susunod na matatagpuan sa Hierarchy of Needs in Moslow. Ito ay hindi lamang tumutukoy sa literal na kaligtasan subalit ito ay tumutukoy sa mas marami pang bagay. Ayon sa kanya, kung ito ay hindi mapupunan ay makararamdam ang tao na hindi siya ligtas. Dahil dito, mababawasan ang kanyang pagiging produktibo. And ilan sa mga kaligtasan na tinutukoy dito ay ang mga sumusunod:
- Ekonomikal
- Sosyal
- Sikolohikal
- Vocational
Hal: Kung ang tao ay walang tiyak na kaligtasan tulad ng mga nasa digmaan, siya ay hindi magiging masaya.
Belongingness and Love Needs o Pangangailgan na makisalamuha, mapabilang o mapasapi at mahalin
Bilang sosyal na nilalang, ang tao ay nabubuhay para sa isa't isa. Kailangan natin na makisalamuha sa ibang tao. Kung hindi tayo makikisalamuha sa iba ay mahihirapan tayong harapin ang mga pagsubok sa buhay.
Esteem Needs o Pangangailangang mabigyan ng Pagpapahalaga ng Ibang tao
Bilang indibidwal, ngangangailangan tayo ng pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao. Kung wala ito ay hindi magiging ganap ang ating pagkatao sapagkat hindi mapupunan ang pangangailangang ito.
Self Actualization o Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao
Ito ay tumutukoy sa pangangailangan na maabot ang mga personal na nais nating magawa sa buhay. Ito ay makapagdudulot sa atin ng kaginhawaan at personal satisfaction.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang mga sumusunod:
Maiksing kasaysayan ng Hierarchy of Needs
https://brainly.ph/question/711978
Aplikasyon ng Hierarchy of Needs sa buhay ng tao
https://brainly.ph/question/1625009
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.