Nakadepende and pamumuhay ng mga tao sa katangiang pisikal ng isang lugar. Halimbawa kung mayaman sa anyong lupa at tubig ang lugar, kadalasang pagtatanim o pagsasaka, at pangingisda ang hanapbuhay ng mga tao. Isa rin sa mga salik ng katangiang pisikal ng isang lugar ang klima. Kailangang maki-angkop ang mga tao sa panahon. May tamang panahon sa pag-aani at gayun din sa paglalayag.
Sa madaling salita, kapag maganda ang katangiang pisikal ng isang lugar, sagana rin ang pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.