Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ang kuneho at ang lion

Sagot :

  Ito ay isang pabula sa India at pinakatanyag na kwento sa Panchatantra. Ang aral na makukuha mo dito ay: Ang katalinuhan ay nakahihigit sa pisikal na lakas. Ito ang maikling buod ng pabula:                

       Sa isang kagubatan naninirahan ang Lion at iba pang mga hayop. Ang Lion ang itinuturing na hari sa kagubatan.  Ang ibang hayop lalo na ang mga maliliit ay ginagawa niyang pagkain. Araw-araw hindi lang isang hayop ang kinakain niya. Labis itong ikinabahala ng iba pang hayop sapagkat halos wala ng natira sa lahi nila. Nagkasundo ang mga hayop na magpatawag ng pagpupulongpulong at hiningi nila ang presensiya ng haring Lion. Tinugunan naman ito ng hari.
             Sa kanilang pagpupulong, napagkasunduan nila na araw-araw ,sa halip na mangaso ang hari para sa kanyang pagkain, sila(ang mga aliping hayop) na mismo ang magpapadala ng isang hayop para sa kanyang. Sumang-ayon naman ang hari.          Gayunman, araw-araw ay nagpapadala sila ng tig-iisang hayop sa yungib ng haring si Lion. Isang araw, ang tusong kuneho ang ipinadala sa yungib. Ayaw ng kuneho na mamatay, nag-isip siya nang paraan upang matuldokan na ang suliranin ng mga kasamahan nitong hayop at magkaroon na sila ng kalayaan. Nag-isip siya ng paraan na maaaring makaligtas sa kanyang buhay at ng buong kagubatan laban sa malupit na hari.           
       Galit na naghintay ang hari sa kanyang yungib, inip na inip na ito sa paghihintay ng kanyang pagkain. Lalo siyang nagalit nang makita niya ang napakaliit na si kuneho. Nagsalita ang kuneho,” haring lion, pagpasensiyahan niyo po na natagalan ako, ang totoo, may limang kuneho akong kasama peru kinain sila ng isa pang mabagsik na Lion sa daan. Nagalit ang lion sapagkat hindi niya matanggap na may mas mabagsik pa sa kanya. Sa katunayan, ako lang ang nakaligtas sapagkat ang lion ay napakaliksi at napakabagsik. Nagalit ng husto ang Lion sa sinabi ng kuneho. Inutusan niya ang kuneho na dalhin siya sa tirahan ng sinasabi nitong isa pang lion. Dinala ni kuneho ang Haring Lion sa isang balon na punong-puno ng tubig.
              Nakita ni Lion ang repleksyon nito. Nagwika ang kuneho,” ito ang kaharian niya, ibang-iba sa kaharian niyo. Nang magalit ang Lion, nagalit din ang repleksyon sa tubig. Dahil sa kanyang labis na galit dahil kung ano ang gawin niya,ginagawa din ng isa pang lion(repleksyo). Dahil dito tumalon ang haring lio sa tubig at nakipaglaban sa kanyang repleksyon hanggang siya ay nalunod at namatay.         
       Mula noon naging malaya na ang mga hayop sa kagubatan dahil wala na ang malupit na haring lalamon sa kanila.



Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.