Ang kagustuhan ay maaaring pangangailangan, tulad nalang sa pagkakaroon ng nauusong gadget na "cellphone". Ang cellphone ay isang kasangkapang pangkomunikasyon. Ngunit dahil sa mga naggagandandahang tampok ng mga cellphone ngayon, ito ay nasa mataas na halaga. Gayunpaman, ito ay may malaking bahagi na ng buhay sa araw-araw. Noon, ang bagay na ito ay isang kagustuhan lamang o luxury, ngayo'y unti-unti nang naging pangangailangan o necessity.