Ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng katotohanan at edukasyon sa buhay ng tao sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga dapat at di-dapat mabatid ng sangkatauhan sa kanyang kalikasan--ang kalikasan ng kawalan ng edukasyon at kamangmangan.
Ayon kay Plato, tayo
ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa
dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay
mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating
humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan
tungkol sa mga bagay.
Ang
mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng
katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga
konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan.
Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y
matuklasan.