Ang pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sa loob ng isang pamilya, maari ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno. Ang mga magulang ang pamahalaan at ang mga anak ang mga mamamayan.
Ang pamilya ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan. Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa maraming pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga batang kasapi nito. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak.