IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Ano-ano ang magkasing kahulugan ng nagliliyab, mahirap, mahirati, mahumaling? Example please

Sagot :

Nagliliyab

Matinding pag-aapoy            

Mga kasingkahulugan:

  1. Nagniningas
  2. Nag-aalab
  3. Naglalagablab
  4. Nakasisilaw
  5. Maalab

Halimbawa sa pangungusap:

  • Itinapon niya ang kanyang larawan upang sunugin sa nagliliyab na apoy.
  • Sumabog ang tangke ng gas, kung kaya't nagliliyab sa apoy ang buong bahay.

Nagliliyab sa galit si Anna ng malaman niyang nagtataksil ang kanyang asawa.

Mahirap

Kulang ng sapat na pera upang mabuhay sa isang pamantayan na itinuturing komportable o normal sa isang lipunan.            

Mga kasingkahulugan:

  1. Dukha
  2. Maralita
  3. Pobre
  4. Salad
  5. Kapos

Halimbawa sa pangungusap:

  • Ang salat sa pera at pagkain ay isang mahirap at karaniwang suliranin ng mga tao.
  • Dalawang beses lang si Fe nakakain sa isang araw dahil kapos sa pera.
  • Gustuhin man bumili ng masarap na pagkain ni Jean ngunit dahil sa kahirapan ay di niya kayang bumili nito.

Mahirati

Gawain ng isang tao o isang bagay na tanggapin ang isang bagay bilang normal o karaniwan.          

Mga kasingkahulugan:  

  1. Magsanay
  2. Malawi
  3. Bihasanin

Halimbawa sa pangungusap:

  • Palagi niyang suot ang kanyang relo upang mahirati sa paggamit nito.  
  • Mahirati na akong kumain ng kanin dahil ito lang ang madaling lutuin kaysa tinapay.
  • Upang mahirati ang katawan mong bumangon ng maaga, dapat maglagay ka ng relos na may alarma.

Mahumaling

Isang pakiramdam ng pagkatuwa o-akit, karaniwan sa isang mababaw o pansamantala.

Mga kasingkahulugan:  

  1. Makagusto
  2. Matuwa  
  3. Matipuhan
  4. Gunigunihin
  5. Magustuhan
  6. Pagka-ibig
  7. Kaakit-akit

Halimbawa sa pangungusap:  

  • Madali siyang mahumaling sa mga makikinang na mga bagay.
  • Pagnakakakita ng magandang babae si June ay kaagad itong mahumaling.
  • Bakit nga ba sa Jollibee madaming mahumaling na kumain kaysa mga restaurant?

Karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito:

Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o magkaugnay ang  kahulugan. Gamitin sa sariling pangungusap.  nagliliyab pagmasdan wastong pag-iisip mahirati  pagmasid mahirap intelektuwal mahumaling.

  • https://brainly.ph/question/167152

Pagtambalin ang mga salitang magkakatulad o magkaugnay. Nagliyab, nagmasid, pagmasdan, mahirap, wastong pagiisip, intelektuwal, mahirati,  mahumaling.

  • https://brainly.ph/question/148566

Anung pangungusap na nagliliyab,mahumaling ang gamit nito?

  • https://brainly.ph/question/147822