Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan sapagkat nakikita at nalalaman natin sa mga kasaysayang naitala kung paano nilinang ng mga sinaunang tao ang kanilang lugar na kinaroroonan. Halimbawa, sa lugar na malalaki ang kalupaan nagtayo ng permanenteng tahanan ang mga sinaunang tao nagkaroon ng marami at malalaking taniman at pastulan ng hayop habang sa lugar na sagana sa kagubatan ay maraming mamamayan ang naninirahan at ginawang hanapbuhay ang pangangaso. Sa mga lugar na malaki ang kapatagan at dito rin ginaganap ang kalakalan, gumawa ng lugar-dasalan o simbahan at iba pang pasilidad na kailangan ng isang pamayanan.