Ang karaniwang diskriminasyon sa sosyo ekonomiko ay karaniwang nasa antas ng pamumuhay ng bawat tao o pamilya. Kadalasan laging mas malaki at maganda ang pribilehiyo at pagtrato ng mga taong may mataas na antas ng pamumuhay samantalang isinasantabi naman sa sulok ang mga taong mababa lamang ang antas ng pamumuhay. Makikita ang ganitong sitwasyon sa pangangalakal, sa pamahalaan, sa paaralan, sa simbahan at maging sa buong kapaligiran.