Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Paano makatulog ng mabilis?

Sagot :

Answer:

1. 4-7-8 METHOD. Ayon kay Doctor Andrew Weil, pumunta sa higaan at hanapin ang pinakakompor­tableng puwesto sa pagtu­log. Huminga gamit ang ilong at magbilang hanggang 4 se­gundo, pigilan ang paghinga habang patuloy ang pagbi­bilang hanggang 7 at huminga sa ika-8 segundo. Ulitin ito hanggang sa makatulog.

2. PANATILIHING MAINIT ANG MGA PAA. Ayon kay Joseph Krainin, founder at president ng Sin­gular Sleep at Chief Medical Ex­pert for SoClean, panatili­­hing mainit ang mga paa dahil maaaring hindi makakuha ng signal ang utak na ikaw ay matutulog na. Inire­rekomen­da rin ang pagsusuot ng med­yas para uminit ang mga paa.

Sa ganitong pa­raan, ma­giging maayos ang daloy ng dugo at ito ang mag­bibigay ng signal sa utak para maka­tulog agad.

3. AUTOGENIC TRAI­NING. Humiga sa patag na higaan at huwag gumamit ng unan, idiretso ang katawan, ilagay ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan o sa gilid ng katawan na may layong 45 degrees. Ayon kay Svetlana Kogan, M.D., isang Integrative at Holistic doc­tor, ito ay isang diskarte ng pagre-relax dahil pinapainit nito ang ating katawan at utak na makatutulong upang ma­ging komportable sa pag­tulog.

4. GUMAMIT NG SOOTHING OIL. Para sa mga may insomnia, tinata­wag itong Shirodhara Treat­ment. Para makatulong sa inyo, lagyan ng oil ang noo, likod ng tainga at mga paa bago matulog. Dahil nagta­taglay ito ng cooling potency, mare-relax ang inyong kata­wan at tuluyang makatutu­log.

5. UMINOM NG GA­TAS. Uminom ng maligam­gam na gatas bago magpa­hinga pero mas mabuting inumin ito pagkatapos mag­hapunan. Dahil ang gatas ay may tryptophan at nagiging serotonin sa katawan, mabi­sa itong pampaantok.

6. PATAYIN ANG ILAW. Kailangang patayin ang ilaw sa pagtulog dahil ito ang oras na nagri-release ang katawan ng melatonin o hor­mone na nagre-regulate ng sleep-wake cycle.

Ngayon, alam n’yo na ang ilan sa mga mabisang pa­raan para mabilis makatulog sa gabi. Tandaan n’yo rin na kailangan n’yo ng pahinga para magkaroon ng sapat na lakas para maging productive sa buong araw. Make sure na makakukuha kayo ng sapat na tulog para maiwa­san ang mga sakit na puwe­deng ma­kuha ‘pag kulang sa pahinga o tulog.

Explanation:

Sana makatulong

PA BRAINLIEST NALANG.