Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang kahulugan ng idyolek,sosyolek at dayalek. magbigay ng tigtatatlong halimbawa

Sagot :

IDYOLEK, SOSYOLEK AT DAYALEK

Ang idyolek, sosyolek at dayalek ay ang tinatawag na barayti ng wika. Ang idyolek ay tumutukoy sa pansariling istilo ng isang indibidwal. Ang sosyolek ay tungkol sa mga salita na binabanggit ng isang grupo. Ang dayalek ay tumutukoy sa paraan ng pagkakabigkas ng mga tao na nakatira sa isang lugar.

Barayti ng Wika

  • Idyolek
  • Sosyolek
  • Dayalek

Idyolek

- pansariling istilo ng pagpapahayag ng isang indibidwal. Ito ay masasabing yunik sa kanila o sumisimbolo at tatak ng kanilang pagkatao.

Halimbawa:

  1. “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
  2. “I shall return” ni Douglas MacArthur
  3. “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

Sosyolek

Ito ay barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Kabilang dito ang wikang ginagamit ng mga bakla na syang kumakatawan sa kanilang kaayuan sa lipunan gayun na din ang mga salitang kalye na madalas ginagamit ng mga kalalakihan

Halimbawa:

  1. "Sinetch itey na type daw ate gurl?" (Sino ito na may gusto daw kay ate girl?)
  2. "So init naman in here!" (Sobrang init naman dito!)
  3. "May amats na ko tol!" (May tama na ako pare!)

Para sa kahulugan ng sosyolek: brainly.ph/question/751932

Dayalek

Ito ay barayti ng wika na nabubuo dahil sa heograpiya ng isang lugar. kakaiba ang nagiging bigkas sa isang pangkaraniwang salita para sa mga katagalugan kumpara sa salita ng mga taga ibang lalawigan.  

Halimbawa:

  1. Tagalog = Bakit?
  2. Batangas = Bakit ga?
  3. Bataan = Baki ah?

Para mas maunawaan ang kahulugan ng mga barayti ng wika: https://brainly.ph/question/566338

https://brainly.ph/question/637451