Isang nakakahawang sakit ang kumalat sa buong mundo. Ang pangalan nito ay Covid-19, sa
taong 2020 maraming nagbago, gaya na lamang ng buhay ni Nikki isang Grade 7 student na
sana ngayon. Dahil sa pangyayari napilitan si Nikki na huwag munang mag-aral sapagkat walang magagamit na gadget para sa online class at siya ang panganay sa apat na magkakapatid na katuwang ng ina sapag-aalaga Kinaylangang ding lumayo ng kanyang tatay
para makahanap ng panibagong trabaho kaya ganoon na lang na hindi ito nakapag-aral
Nalaman ng isang butihing kapitbahay ang sitwasyon ni Nikki kaya binigyan niya ito ng pera
para makapag-aral. Ngunit sa kasamaang palad ang mga binigay na pera ng kapitbahay ay
ginastos ng ina sa pambili ng kanilang makakain at gamit Nang malaman ni Nikki kung ano
ang nangyari sa pera nanlumo ito, nagalit sa Ina at nawalan na ng ganang mag-aral muli.
Mga Tanong:
1. Kung ikaw si Nikki at nangyari ito sayo, Ano ang pagpapasyang iyong gagawin?
2. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang ng isang Ina pagdating sa kaniyang
relasyon sa kaniyang anak? Bakit mo ito maituturing na pinakamahalaga?
3. Bakit masama ang ginawa ng magulang ni Nikki?