Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

ayon kay mayor marcy, iginagalang niya ang bawat isa kung anong uri ng bakuna ang gamitin nila pero sa ngayun limitado lamang ang dumating na suplay ng bakuna sa pilipinas.ano ang opinyon mo?​

Sagot :

Answer:MAYNILA - Handa na ang lungsod ng Marikina sa pagpapatupad ng vaccination program nito kontra COVID-19 at tanging mismong supply na lamang ng bakuna ang kulang.

“Nag-supplemental budget na nga kami. Nago-order kami sa iba’t iba. Pagkakatanda ko, meron kaming 3 non-discosure agreement at 3 tripartite agreement na pinirmahan na para sa iba't ibang bakuna. Nakakalungkot lang, walang makapag-commit ng date of delivery,” pahayag ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro.

Ayon kay Teodoro, preparado na lahat maging ang kanilang imprastruktura at mga kawani para sa vaccination program.

"Bakuna na lang ang kulang," sabi niya sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.

Ilang ulit na rin silang nakapag-simulation activity sa kanilang mega facility para tuluyang masanay ang mga magbabakuna at ang mga tao.

Maging ang kanilang cold chain facility na kayang paglagakan ng mga bakunang mangangailangan ng sub-zero temperature ay preparado na rin.

May binuo na rin silang task force na kinabibilangan ng medical experts na siyang magdedetermina kung anong bakuna ang akma sa priority listing ng lungsod.

 

Wala rin naman silang problema sa kung anong bakuna ang unang darating at gagamitin sa bansa basta’t ito ay aprubado ng Food and Drug Administration, may emergency use authorization, at ligtas.

 

“Kung ano 'yung unang dumating na bakuna palagay ko ang mahalaga ma-deploy at ma-administer kaagad natin ito doon sa suitable group para makagamit nito,” saad niya.

Nauna nang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng authority ang mga local government unit na magbigay ng advance payment para sa procurement ng COVID-19 vaccines.

Explanation:

#Carry On LEARNING!