pa sagot po pls hindi po ito free poins pa sagot na din ang gawin 1
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at unawaing mabuti ang nilalaman nito.
Pagpapakilala ng Aralin
Pagmamahal at Pagtalima
Mahalaga ang pagmamahal sa Diyos para sa pamilya ni Gng. Gomez. Sinisikap nila
araw -araw na makagawa ng mabubuting bagay sa ibang tao at maging makatarungan at
walang kinikilingan.
“Maging mabuti kayo palagi,” madalas na sinasabi ng mag-asawa sa kanilang mga
anak. Bago pumasok sa paaralan, niyayakap at hinahalikan sila ng kanilang mga anak na sina
Lily at Bessie.
“Pumasok na kayo sa paaralan ngayon, mga anak. Huwag gumawa ng kahit na anong
magdudulot ng kahihiyan at panghihinayang”, sabi ni Gng. Gomez sa kanyang mga anak.
“Halika na baka mahuli tayo at mapagsaraduhan ng gate”, sabi ni Lily sa nakababatang
kapatid. “Istrikto ang gwardiya”.
Binilisan ng magkapatid ang paglakad upang makaabot sa flag ceremony. Pagkarinig
na pagkarinig sa tunog ng bell, tahimik na silang pumila kasama ang kanilang mga kamag-aral.
Samantala sa bahay, kinakausap ni Gng. Gomez ang kanilang kasambahay na si Rita.
“Tama ba ang narinig ko na uuwi ka ng probinsiya? Bakit? Ayaw mo na ba rito?” Tanong ni
Gng. Gomez kay Rita.
“Siyempre po, gusto ko rito Ma’am. Napakabuti ninyo sa akin at napakabait ng inyong
mga anak, Ngunit gusto ko po sanang bumalik sa paaralan at mag-aral ng kursong
bokasyonal,” sagot ni Rita
“Bakit hindi mo sinabi? Maiaayos natin ang iskedyul mo rito sa iyong trabaho sa
bahay para makapag-aral ka pa rin”, sabi ni Gng. Gomez.
“Ma’am sobra na po iyon,” sabi ni Rita.
“Isang paraan iyon para matumbasan ang pag-aalaga mo sa buo naming pamilya,”
sabi ni Gng. Gomez. Ang totoo, sosorpresahin nga sana kita. Heto, para sa iyo ito,” sabi ni
Gng. Gomez.
Lumiwanag ang mukha ni Rita. “Ma’am, SSS card po ito! Ibig ninyong sabihin ay para
sa akin ito?” tanong niya.
4
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na batay sa kuwentong iyong binasa. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?
__________________________________________________
2. Anong mga biyaya ang natatanggap ng pamilya Gomez na dapat nilang
ipagpasalamat?
________________________________________________________
3. Paano ipinakita sa kuwento ang pagpapasalamat sa Diyos ng pamilya Gomez?
____________________________________________________
4. Paano naman nagpasalamat si Rita sa biyayang kanyang natanggap?
___________________________________________________
5. Tama ba ang ginawa ni Gng. Gomez para kay Rita? Bakit?
Gawain 1.1 Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (/ ) ang mga pangungusap
na nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos at ekis (x) kung hindi.Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
_____1. Pagiging madamot sa kapwa.
_____2. Bilang pasasalamat, ikaw ay nagdadasal bago at pagkatapos kumain.
_____3. Kapag tumulong ay dapat humingi palagi ng kapalit.
_____4. Gamitin ng maayos at wasto ang mga biyayang natatanggap.
_____5. Huwag pansinin ang mga taong humihingi ng tulong.
“Oo sa iyo iyan. Mula ngayon, babayaran namin ang kontribusyon mo sa SSS. at
kung gusto mo, pag-aaralin ka rin namin. Anong masasabi mo?” sabi ni Gng. Gomez.
“Maraming salamat po Ma’am! Hindi sasapat ang pasasalamat ko. Naging napakabuti
ng pamilya ninyo sa akin. Gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat sa inyo.
Maraming salamat po Diyos ko dahil binigyan Ninyo po ako ng mababait na amo,” sabi ni
Rita.