IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

1

Tayahin- Post-Test

Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon at mga katanungan. Isulat ang titik ng

pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.

1. May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng

mga mag-aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?

A. hindi makialam

B. ipagbigay-alam sa gurong tagapayo

C. sabihin sa iyong mga kaibigan na iwasang pumunta roon

D. sabihin sa iyong mga magulang upang maipabatid nila sa kinauukulan

2. May nag-aalok sa iyo ng trabaho sa isang pabrika ng paputok na may suweldong mahigit pa sa

baon mo. Sinabi niyang maaari kang umalis ng bahay niyo at magkunwaring pumapasok sa

paaralan at tumuloy sa pabrika. Ano ang gagawin mo?

A. magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao

B. sabihin agad sa iyong guro o mga magulang

C. magpapasama ka sa iyong kaibigang pumunta sa pabrika

D. sabihan ang iyong mga kamag-aral na nangangailangan ng pera na sabay kayong

pupunta sa pabrika

3. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing

magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin

kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro. Ano ang gagawin mo?

A. hindi ko sasabihin kahit kanino

B. sumang-ayon at sumama sa tao

C. humingi ng pera bago sumama sa tao

D. ipaalam agad sa iyong guro o magulang

4. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa ______________.

A. pagpapanatili ng ecological diversity

B. pagkikilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan

C. pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa

D. pagpananatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan ang

pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin

5. Batas Pambansa 7638 ang Pagtatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong _____.

A. ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin

B. pagpapanatili sa natural at biological physical diversities

C. mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao

D. isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa

eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya​