IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Pag-unlad ng bansa
Ang mabuting Pilipino ay tunay na masunurin sa alituntunin ng bansa tulad ng mga batas at ordinansa. Namumuhay ng marangal, payapa at may paninindigan, kung kaya magpapakasipag at magpapakadalubhasa sa sariling bansa. Inihahalintulad sa isang awitin ng kilalang kompositor at mang-aawit na si Noel Cabangon na pinamagatang “Ako’y isang Mabuting Pilipino”, na simple at madaling unawain ang mga liriko. Nakapaloob sa kanyang awitin ang ilan sa alituntunin at gawain ng isang responsableng mamamayang Pilipino. Bago pa man naging responsible ang isang Pilipino ay naging responsable muna sa kanyang sarili. Sa madaling salita, ang pagpapatibay ng pagiging Pilipino ay nag-umpisa sa sarili. Sa gayong paraan, lubhang makatutulong sa pag-unlad ng bansa ang isang mabutingPilipino. Ilan sa mga sumusunod na halimbawa ng mabuting Pilipino na nakibahagi sa kaunlaran ng bansa ay ang mga sumusunod:
• Mga propesyunal na nagpakadalubhasa at naglingkod sa sariling bayan.Ang kanilang ambag na buwis ay lubhang nakatulong para sa pagsasaayos ng ilan sa ating mga imprastraktura
• Mga OFW na nakipagsapalaran sa ibang bansa na naghahatid ng dolyar sa pamilyang naiwan dito sa Pilipinas
• Mga lokal na negosyanteng nakipagsapalaran para sa kalakalang panlabas o export. Maidaragdag pa ang ilan sa mga matagumpay na negosyante sa loob ng bansa mula sa sektor ng SME at ilang multinasyonal na kompanya. Ang kita ng pagnenegosyo ay naidadagdag sa Gross National Income.
• Mga lokal na magsasaka at mangingisda na malayang nakapagbabahagi ng kanilang pinagpaguran sa hapag ng sariling pamilya at sa lokal na pamilihan upang tugunan ang ilan sa mga pangangailangan
• Mga manggagawa na nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor ng industriya sa loob ng bansa. Ang kanilang pasahod ay nakakahimok upang dagdagan pa ang presensiya ng mga nagnenegosyo. Gayundin, naging indikasyon ito ng pag-angat ng indibidwal na kalagayan sa buhay at lampasan ang poverty
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.