❤️I. PANUTO: Pagtutukoy: Tukuyin kung anong prinsipyo ng Yogyakarta napabilang ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang TITIK ng wastong sagot sa nakalaang patlang.
A. PRINSIPYO 1 - Karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga Karapatang Pantao
B. PRINSIPYO 4 - Karapatan sa Buhay
C. PRINSIPYO 12 - Karapatan sa Trabaho
D. PRINSIPYO 16 - Karapatan sa edukasyon
E. PRINSIPYO 25 - Karapatang lumahok sa Buhay-Publiko
_____1. Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo.
_____2. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa kanilang kapakanan.
_____3. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatang pantao.
_____4. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan.
_____5. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.