Gawain 2: Pag-usapan Natin:
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Paano muling ipinahamak nina Don Pedro at Don Diego ang kanilang bunsong
kapatid?
2. Kung ikaw si Don Juan, aalis ka ba upang pagtakpan ang kasalanang ginawa ng
iyong mga kapatid? Bakit?
3. Anong naging pasya ng hari matapos malaman ang nangyari?
4. Bakit napunta sa Bundok Armenya ang tatlong prinsipe? Bakit sila naakit
mamalagi sa lugar na ito?
5. Papaano nagkasundo ang magkakapatid?
6. Bakit labis na namangha ang prinsipe nang makita niya si Donya Juana?
7. Saan inahalintulad ni Don Juan si Donya Leonora?
8. Ano naman ang naging reaksiyon ni Donya Leonora nang makita niya si Don
Juan sa loob ng kanilang palasyo?
9. Paano naganap na labanan sa pagitan nina Don Juan at ng serpiyente? Bakit
nahirapan si Don Juan na puksain ito?
10. Sa iyong palagay, napatay ba ni Don Juan ang serpyinte dahil sa balsamong
ibinigay sa kanya ni Donya Leonora o lakas na dala ng kanyang matibay na
pananampalataya sa Diyos? Patunayan.