IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Sisimulan saTerm 2 ang pagtuturo at pag‐aaral mula sa bahay para sa mga bata at kabataan.
Karamihan sa mga paaralan ay handa na upang maghatid ng distance learning (pag‐aaral nang
malayuan) at sila ay maaaring nakipag‐ugnay sa iyo upang ipaalam kung paano nila ihahatid at
susuportahan ang pag‐aaral ng iyong anak mula sa bahay.
Ang guro ng iyong anak ay may plano para sa pag‐aaral mula sa bahay – hindi ka inaasahang
maging kahalili ng guro. Tandaan na pinag‐aaralan din ng mga guro kung paano magtatrabaho
mula sa bahay at sila ay mayroong sariling iskedyul at mga pamilya na pamamahalaan.
Kung tayo ay nasa Alert level 3, mangyaring panatilihing nag‐aaral mula sa bahay ang iyong
anak, maliban kung walang sinuman sa iyong bubble (kasambahayan) ang makapag‐aalaga sa
kanya kung kailangan mong pumasok sa trabaho.
Kung ikaw ay may anumang mga isyu o ikaw ay nag‐aalala tungkol sa pag‐aaral mula sa bahay
ng iyong anak, dapat mong kontakin muna ang paaralan ng iyong anak. Kung ikaw ay
nahihirapang kumontak sa paaralan ng iyong anak, at hindi ka kinokontak ng guro, mangyaring
makipag‐ugnay sa pinakamalapit na opisina ng Ministro ng Edukasyon.
Pagsuporta ng kagalingan sa bahay
Habang ikaw ay maaaring nag‐aalala tungkol sa pag‐aaral ng iyong anak sa panahong ito, nais din
naming isipin mo ang tungkol sa ikabubuti mo at ng iyong pamilya.
Ilang kapaki‐pakinabang na mga mungkahi upang suportahan ang iyong ikabubuti
Manatiling kalmado at bigyang‐tiwala ang sarili at ang iyong mga anak na ginagawa nating
lahat ang buong makakaya natin sa mga di‐pangkaraniwang panahong ito.
Nangyayari ang pagkatuto sa bawat wika. Kung ang gamit ninyong wika sa bahay ay hindi
Ingles, gamitin ang wikang iyon kapag nakikipag‐usap sa iyong anak. Magagamit mo ang iyong
wika sa bahay upang pag‐usapan ang mga inilaang gawain at ang gawain ay makukumpleto sa
Ingles (o sa wikang gamit ninyo sa bahay).
Tumutok sa mga bagay na magagawa ninyo upang manatili kayong malusog, maligaya at
aktibo gaya ng pagtataguyod ng kalinisan, pagtakbo sa likod‐bahay, paglundag, pagsayaw at
paghahalaman.
Gawin nang magkakasama ang mga gawain – bumuo ng puzzle, makinig sa pagbabasa ng
iyong anak, magkakasamang magluto, at makipag‐ugnay online sa mga kaibigan at mga
pamilya.
Ang pakikipag‐usap ay isang napakahalagang paraan ng pagkatuto. Makipag‐usap sa iyong
anak tungkol sa mga ginagawa mo; ipaliwanag kung bakit mo ginagawa ang mga bagay sa
isang partikular na paraan; hikayatin ang pagtatanong. Kung hindi mo alam ang sagot,
magkakasama ninyong alamin.
Paisa‐isang araw –magtakda ng oras para sa iba't ibang gawain at maging gawi sa araw‐araw
ang ilang mga gawain. Hikayatin ang iyong mga anak na mag‐isip ng mga ideya. Bigyan sila ng
pagkakataon na subukan ang iba't ibang mga gawain sa pag‐aaral. Maaaring ipadala ang mga
ito mula sa paaralan, maaaring mga bagay na ikinasisiya nila, o mga gawaing napagkasunduan
ninyo na mainam gawin sa bahay. Huwag pilitin ang iyong anak kung siya ay tila nasosobrahan
na.
Kapag nag‐aalinlangan, humiling ng paglilinaw mula sa iyong paaralan/guro, iba pang pamilya
at mga kaibigan at tagasuporta ng iyong pamilya.
Explanation:
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.