IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Education sa panahon ng espanyol at kasalukuyan​

Sagot :

Answer:

Ang kultural na pagbabago ng lahing Pilipino ay batay sa relihiyon. Ang edukasyon ay pinamahalaan ng mga pari sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga paaralang parokya (paaralan ng simbahan) na siyang naging isang paaralang itinatag sa Cebu.

Ang pagtatag ng mga paaralan ay isang paraan upang maitanim sa isipan ng mag-aaral ang Kristiyanismo.

Ang paaralang primarya para sa mga batang katutubo ay naitatag lamang sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mga aralin ay nakasentro sa relihiyon, bagamat itinuturo rin ang kagandahang-asal, pagbasa, pagsulat, pagbilang, musika, Doctrina Christiana, at mga kasanayang nauukol sa pamumuhay at pamamahay. Sinabi ni Padre Pedro Chirino na ang mga Pilipino ay matatalino; madali nilang natutunan ang wikang Kastila at pagbigkas nito. Madali rin nilang natutunan ang kahit ano.

Nagtatag din ng mataas na paaralan ang pamahalaang Kastila upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Noong taong 1565 dumating ang mga Agustino, Sumunod ang mga Pransiskano noong 1577. Dumating sa Marikina ang mga Hesuita noong 1581. Ang mga Dominikano naman ay dumating noong 1587 at ang mga Rekolikto noong 1606.

Explanation:

hope it's helps