Panuto: Piliin ang titik ng tamang salita o pahayag na tinutukoy sa mga
pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Bakit kailangan dapat tukuyin ang sentro ng buhay ng isang tao sa
pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
A. Upang sila ang gumawa ng iyong ginawang misyon
B. Ito ang magbibigay sayo ng seguridad, gabay, karunungan, at
kapangyarihan upang isakatuparan ang misyon.
C. Dahil sila ang magtutukoy ng iyong mga isasabuhay ng misyon sa
buhay
D. Upang mabigyan sila ng papuri at parangal sa inyong lugar
2. Ayon kay Sean Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin
sa buhay kung ito ay:
A. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas
ang kahulugan niya bilang isang tao.
B. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang
pagapahayag na ating pagka-bukodtangi.
C. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya,
trabaho, pamayanan, at iba pa
D. Lahat ng nabanggit