Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto. Sagutin ang mga katanungan .Piliin ang titik ng tamang sagot:TAGUMPAY SA KABILA NG SAGWIL
Si Tessie Galasa ang bunso sa siyam na magkakapatid. Dalawa lamang silang na nakapag-aral. Hindi kayang tustusan ng kanilang magulang ang pagpapaaral sa kanilang lahat. Ang kanilangkaralitaan ay hindi naging sagwil para kay Tessie. Nakapag-aral siya sa ilalim ng isang scholarship grant. Tatlong taong gulang pa lamang si Tessie ng sinamang palad siyang magkasakit at nalumpo.Habangsiya ay lumalaki, sumisidhi ang kanyang hinagpis at pagkaawa sa sarili. Ngunit natutuhan din niyanglabanan ang damdaming ito. Sa ginanap na Magnolia 10- kilometers marathon on wheels, nanalo siTessie ng unang gantimpala sa karerang pambabae. Nanalo rin siya sa 21- kilometers wheel-a-thon.Noong 1982, tatlong medalyang ginto at isang medalyang pilak ang kanyang napanalunan sa palaronglanguyang pandaigdig para sa mga may kapansanan. Ginanap ito sa Hongkong. Dahil sa tibay ng kanyangloob nagtagumpay siya sa kabila ng sagwil sa kaniyang buhay.
1. Ilang magkakapatid sina Tessie Galasa?
A. Siyam B. walo C. sampu D. anim
2. Paano nakapag-aral si Tessie?
A. Nagtrabaho B. namalimos C. scholarship grant D. pinaaral ng kamag-anak
3. Bakit hindi sila kayang tustusan ng kanilang mga magulang?
A. Ayaw silang paaralin B. dahil sa kahirapan C. walang trabaho D. marami silang magkakapatid
4. Ano ang naging suliranin ni Tessie?
A. Siya ay di makapag-aral B. siya ay nalumpo C. nagkaroon ng problema
D. walang tumulong sa kanya
5. Ano ang naging solusyon sa kanyang suliranin?
A. nagalit siya sa kanyang mga magulang B. natutuhan niyang labanan ang kanyang damdamin C. umiyak siya dahil sa awa sa sarili D. Tibay ng loob upang makamit ang tagumpay