A. Tukuyin kung anong Pang-uri ang ginamit sa mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang ( ☆ ) kung Panlarawan, ( ☾ ) Pantangi at ( ☀ ) Pamilang. Para sa karagdagang puntos, tukuyin ang uri ng bawat pang-uring pamilang.
1. Ang panliligaw ay ang matandang tradisyon ng Pilipinas kung
saan sinusuyo ng lalaki ang babaeng nais niyang maging kasintahan.
2. Sa mga Tagalog, ang isang lalaking umaakyat ng ligaw ay
nanghaharana sa bahay ng dalaga.
3. Dahon ang ginagamit ng mga Dumagat upang ipahayag ang
kanilang malalim na pagmamahal sa kapwa.
4. Ang Ambahan ay anyo ng tula ng mga Mangyan at umaabot ng
dalawampung taludtod. Ginagamit ito sa panliligaw at sinasabayan ng pagtugtog ng Kubing.
5. Sa mga kababayang Muslim, karaniwan na ang pagkakasundo sa mga anak at
pagbibigay ng dowry upang magkaisa ang bawat panig.
B. Sa pamamagitan ng Character Traits Diagram, kilalanin si Maria Clara