IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

HELP HELP HELP PLEASE
Mark ko as brainleist yung makakasagot patulong po please
"SINGAPORE "
Walang pagsidlan ng kaligayahan ang naramdaman ng mag-ina pagbaba ng eroplanong PAL. Ang malimis, tahimik na napakagandang paliparan ng Singapore ang bumungad sa kanila. Bumulaga sa kanilang harapan ang napakaraming orkidyang bulaklak na iba-iba ang kulay. Malamig na malamig at mabango ang buong kapaligiran ng paliparan. Bawat sulok dito ay may iba-ibang tindahan. Masisipag na nagbibigay ng mga impormasyon ang mga kawani ng turismo.

Hawak-hawak ng mag-ina ang mga pulyetong binigay ng mga taga-turismo at sabik na sumakay ng taksi. Laking gulat nila walang trapik. Mangilan-ngilan lamang ang mga sasakyan sa daang malalawak. Pasyal dito, pasyal doon ang kanilang ginawa. Namili ng mga pasalubong sa mga kaibigan sa Pilipinas subalit kapansin-pansing may kamahalan ang lahat ng bilihin.

Napakalinis at napakatahimik ng Singapore at ang mga mamamayan ay totoong napakasipag. Abalang-abala ang lahat ng tao. Subalit kapansin-pansing ang mga tao dito ay halops hindi ngumingiti, parang galit sa mundo. Bakit kaya tila hindi sila nasisiyahan sa ganda, linis, yaman at katahimikan ng kanilang bansa.

Sa ikalimang araw ng paglilibot, may tumimo sa kanilang mga puso. Mga matatandang babae at lalaking uugod-ugod, may pilay, may kuba, nanginginig na kamay, mga putting-putting buhok ay silang nagtatrabaho ng lahat maruruming Gawain. Nagwawalisb sila sa daan at mga pasilyo, naglilinis ng kubeta, inuutus-utusan sa mga opisina at mga tsuper ng taksi. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang kalungkutan. Namumuhay pala silang mag-isa sa kanilang condominium. Nasaan ang kanilang mga anak?
Maunlad nga ang Singapore, subalit malungkot ang mga mamamayan dito. Tayo ay mahirap na bansa subalit masasaya dahil an gating pamilya ay tapat na nagmamahalan sa isa’t-isa hanggang wakas.

1.Ilarawan ang kabuuan ng bansang Singapore.
2.Nasisiyahan baa ng mga Singaporean sa kanilang kalagayan sa kanilang bansa? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
3.Kung ikaw ang mamimili, saan mo gustong maniraharan, sa Singapore o sa Pilipinas? Ipalianag ang iyong kasagutan.
4.Anong uri ng paglalarawan ang nabasang akda?
5.Isulat ang bahagi ng akdang may Karaniwang Paglalarawan.
6. Isulat ang bahagi ng akdang may Masining na Paglalarawan.​

Sagot :

Answer:

• Ang Singapore ay isang pulo, estadong lungsod,na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ang singapore ay isa sa mga bansang may pinakamataas na per capita (gdp) sa buong daigdig, dito ay malinis at tahimik marami din ang orkidyang bulaklak na sari-sari ang kulay, bihira mo lang din makikita ang trapik at halos lahat ng mga mamamayan doon ay masipag.

• Sa aking opinyon masasabi kong masaya nga ang manirahan sa singapore ngunit kung ang tatanungin ay ang mga mamamayan doon siguro ay hindi, masyadong 'independent' ang bawat indibidwal na nandoon nakakalungkot isipin na kahit may mga edad na ay pilit pa rin nagtatrabaho at naninirahan lamang magisa, maunlad nga ang Singapore, subalit malungkot ang mga mamamayan dito.

• Kung ako ang papipiliin mas pipiliin ko pa rin ang ating bansa dahil dito ako isinilang dito ako lumaki at nagkamuwang sa aking pagbasa ng akdang yaon, pinapaliwanag saakin nito na mas masaya ang manirahan dito sa pilipinas dahil puno ng kasiyahan ang pagkakaisa ang mga tao dito.

• Ito ay masining na paglalarawan dahil malinaw na ipinaliliwanag dito ang bawat bagay na nakapaloob sa akda na lalong nagpapagana sa imahinasyon ng mambabasa

• Ito ay bahagi ng Karaniwang Paglalarawan- "Napakalinis at napakatahimik ng Singapore at ang mga mamamayan ay totoong napakasipag."

• Ito ay bahagi ng Masining na Paglalarawan- "Mga matatandang babae at lalaking uugod-ugod, may pilay, may kuba, nanginginig na kamay, mga putting-putting buhok ay silang nagtatrabaho ng lahat maruruming Gawain. Nagwawalisb sila sa daan at mga pasilyo, naglilinis ng kubeta, inuutus-utusan sa mga opisina at mga tsuper ng taksi"