SUBUKIN NATIN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay proseso ng pagpapasya na kinakailangan ng tao kapag nahihirapan
siya sa kaniyang pagpili na gagawin.
A. Panahon
C. Isip
B. Damdamin
D. Pagpapahalaga
2. Kailangan sa pagpapasya na ito ay makabubuti sa sarili, sa kapwa at sa pamayanan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa lahat ng ating isasagawang pasya kailangan na ito ay ginagamitan ng matalinong pag-iisip.
B. Mali, dahil kapag nagpapasya ang tao ang unang naapektuhan
lamang ay ang sarili.
C. Tama, dahil kapag ang pasya na ginawa ay mabuti ito ay
nakabubuti rin sa sarili, sa kapwa at sa pamayanan.
D. Mali, dahil walang kinalaman ang ibang tao sa kahihinatnan ng
isinagawang pasya.
3. Alin ang hindi kabilang sa proseso ng mabuting pagpapasya?
A. Konsensya D. Isip
B. Damdamin C. Panahon
4. Kapag ang isang tao ay nagkamali sa kaniyang isasagawang pasya ito ay
nakakaapekto sa:
A. sarili, pamilya, kaibigan C. guro, pamilya, kamag-aral
B. sarili, kapwa, pamayanan D. kapwa, kapatid, pamayanan
5. Bakit kinakailangan na maging mapanuri sa pagpapasyang gagawin?
A. Ito ang magbibigay ng direksyon sa buhay.
B. Ito ang magdadala sa tao sa tagumpay.
C. Ito ang magtuturo upang makilala ang sarill.
D. Ito ang mag-aakay sa pagtulong sa kapwa.