1.Ang kilusang La Ilustracion ay nagmula sa Europa.
2. . Isang salik sa paghina at pagtatapos ng kalakalang galyon ay ang deklarasyon ng Cadiz Constitution.
3. Napayaman ng kalakalang galyon ang Espanya mula sa kita rito.
4.Walang naging epekto ang La Ilustracion sa Pilipinas dahil malayo ang Europa sa Pilipinas.
5.Sa merkantilismo nakasalalay sa dami ng ginto at pilak ang yaman ng isang bansa.
6.Ang panggitnang uri ay binubuo ng mga mayayaman at makapangyarihang Espanyol na nanirahan sa Pilipinas.
7.Ang mga paring sekular ang may hawak ng mga parokya.
8.Ang mga paring Espanyol lamang ang may kinabibilangang samahang relihiyoso.
9.. Si Carlos Maria dela Torre ay nagtagal ng sampung taon sa pamumuno bilang gobernador-heneral dahil sa pagkakaroon niya ng liberal o makabagong paraan ng pamamahala.
10.. Ang pagbubukas ng Suez Canal ang nagpaiksi ng isang buwan sa paglalakbay mula sa Europa patungo sa Maynila.
TAMA o MALI