Pagmamahal at Pagtalima
Mahalaga ang pagmamahal sa Diyos para sa pamilya ni ng Gomez, Sinisikap
nilang araw araw na makagawa ng mabubuting bagay sa ibang tao at maging makatarungan
at walang kinikilingan.
"Maging mabuti kayo palagi," madalas na sinasabi ng mag asawa sa kanilang mga
anak. Bago pumasok sa paaralan, niyayakap at hinahalikan sila ng kanilang mga anak na sina
Lily at Bessie
"Pumasok na kayo sa paaralan ngayon, mga anak. Huwag gumawa ng kahit na anong
magdudulot ng kahihiyan at panghihinayang." sabi ni Gng. Gomez sa kaniyang mga anak,
"Halika na at baka mahuli tayo at mapagsaraduhan tayo ng gate," sabi ni Lily sa
nakababatang kapatid, "Istrikto ang guwardiya."
Binilisan ng magkapatid ang paglakad upang makaabot sa flag ceremony. Pagkarinig
na pagkarinig sa tunog ng bell, tahimik na silang pumila kasama ang kanilang kamag aral.
Samantala, sa bahay, kinakausap ni Gng. Gomez ang kanilang kasambahay na si Rita.
"Tama ba ang narinig ko na uuwi ka ng probinsiya? Bakit? Ayaw mo na ba rito?" tanong ni
Gng. Gomez kay Rita.
"Siyempre po, gusto ko rito Ma'am. Napakabuti ninyo sa akin at napakabait ng
inyong mga anak. Ngunit gusto ko po sanang bumalik sa paaralan at mag-aral ng kursong
bokasyonal," sagot ni Rita.
"Bakit hindi mo sinabi? Maiaayos natin ang iskedyul mo rito sa iyong trabaho sa
bahay para makapag-aral ka pa rin," sabi ni Gng. Gomez.
"Ma'am sobra na po iyon," sabi ni Rita.
"Isang paraan iyon para matumbasan ang pag-aalaga mo sa buo naming pamilya,"
sabi ni Gng. Gomez. "Ang totoo, sosorpresahin sana kita. Heto, para sa iyo ito," sabi ni Gng.
Gomez.
Lumiwanag ang mukha ni Rita. “Ma'am SSS card po ito! Ibig ninyong sabihin ay para
sa akin ito?" tanong niya.
"Oo, sa iyo iyan. Mula ngayon, babayaran namin ang kontribusyon mo sa SSS. At
kung gusto mo, pag-aaralin ka rin namin. Anong masasabi mo?" sabi ni Gng. Gomez.
"Maraming salamat, Ma'am! Hindi sasapat ang pasasalamat ko. Naging napakabuti
ng pamilya ninyo sa akin. Gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat sa inyo.
Maraming salamat po Diyos ko dahil binigyan Ninyo po ako ng mababait na amo," sabi ni
Rita.