Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano sa tingin mo ang nilalayon ng pananaliksik​

Sagot :

Answer:

Ang pananaliksik (alt. pagsasaliksik) ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa."[1] Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Ito rin ang "malikhain at sistematikong gawaing ginagawa para mapataas ang kaalaman."[2] Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Ang isang proyekto sa pananaliksik ay maaaring isang pagpapalawak sa napag-alaman na. Isinasagawa ang mga ito para mapahusay pa lalo ang pag-intindi sa isang partikular na paksa, o maaaring para sa edukasyon. Hinahanap ng pananaliksik kung de-kalidad ba ang isang instrumento, mainam ba ang isang pamamaraan, tama ba ang eksperimento, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at teorya.