IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Panuto: ibigay ang kahulugan ng sumusul
1. PARABULA
2.ELEHIYA-
3. TUNGGALIAN TAO VS. TAO -
4. TUNGGALIAN TAO VS. SARILI -
5. NOBELA
6. SANAYSAY -
7. TEMA
8. SIMBOLISMO -
9. PELIKULA
10. DAYALOGO
pa help po​

Sagot :

Answer:

1. PARABULA

—ay kwentong hango sa Bibliya. Naglalaman ito ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang pangangaral.

2. ELEHIYA

—ay isang tulang liriko na ipinapatungkol sa isang namatay ito ay naglalarawan ng pagbubulay bulay sa kamakamatayan.b

3. TUNGGALIAN TAO VS. TAO

—ay isa sa mga ginagamit na tunggalian sa isang kwento. Sa ganitong uri ng kwento, tao rin ang nagpapahirap sa pangunahing tauhan.

4. TUNGGALIAN TAO VS. SARILI

—ay uri ng panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng katauhan natin. Halimbawa nito ang suliraning may kinalaman sa moralidad at paniniwala.

5. NOBELA

—ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

6. SANAYSAY

—komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

7. TEMA

— ay ang pangunahing paksa sa isang akda. Dito umiikot ang kabuuan ng isang akdang pampanitikan. Ito ay tinatawag ding pangunahing mensahe. Maaaring ito ay tumukoy sa aral o konsepto na nakapalibot sa isang kwento. Mahalaga na malaman ang tema upang maunawaan natin ang isang sanaysay o anumang akda.

8. SIMBOLISMO

—nagmula sa tula at iba pang mga sining na naghahangad na kumatawan sa ganap na mga katotohanan na sagisag sa pamamagitan ng matalinhagang mga imahe at wika pangunahin bilang isang reaksyon laban sa naturalismo at realismo.

9. PELIKULA

—ay isang gawa ng visual art na ginagamit upang gayahin ang mga karanasan na nagsasalita ng mga ideya, kwento, pananaw, damdamin, kagandahan, o himpapawid sa pamamagitan ng paggamit ng mga gumagalaw na imahe.

10. DAYALOGO

—ay isang nakasulat o pasalitang pakikipag-usap na pakikipag-usap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao, at isang pampanitikan at pormang panteatro na naglalarawan ng naturang palitan.

make this the Brainliest Answer ^_^