Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag unlad ng kultura ng tao?
Ang yugto sa buhay ng tao ay nahahati sa apat na bahagi ito ay ang:
1. Paleolitiko
2. Mesolitiko
3. Neolitiko
4. Metal
Tinatayang 500,000 taon na ang nakaraan sa yugto ng buhay ng tao nang sila ay gumamit ng mga bagay-bagay ang mga tao . Sa yugto ng buhay ng tao mababalik tanaw ang kanilang kultura.
KATANGIAN NG BAWAT YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG TAO
1. Paleolitiko
- Ito ay ang panahon ng lumang bato
- Pagala-gala ang mga tao sap ag-hahanap ng mga pagkain
- Wala silang permanenteng tirahan
- Pangangaso at pangingisda ang kanilang hanap-buhay
- tanging kamay lamang ang kanilang ginagamit sa pag- hahanap-buhay
- Tapyas na bato ang kanilang sandata at ito rin ang kanilang gamit sa pangangaso at pangingisda. Binabasag nila ang bato sa pamamagitan ng pag-pukpok at kapag nagkaroon na ito ng tulis ay maari na nila itong gamitin
- Sa panahon din ito, natuklasan ng mga tao ang pag –gamit ng apoy bilang gamit sa pg-luto ng pagkain, pampa-init ng katawan at panakot sa mga mababangis na hayop.
- Natutunan din nila ang pag-ukit, paglilok at pag-pinta na ginagamit nila sap ag-guhit sa mga dingding ng kweba at paggawa ng talim ng sibat, kutsilyo at iba pang kagamitang yari sa bato.
- Mayroon din silang relihiyon. Naipapamalas nila ito sa pamamagitan ng pag-alay, pagsakripisyo, pagkain at palamuti sa mga patay.
- Naglilibing sila ng mga kasangkapan kasama ang namatay bilang paniniwala sa kabilang buhay.
2. Mesolitiko
- Ito ay ang panahon ng gitnang bato
- Nag-aalaga ng mga hayop ang mga tao sa yugtong ito tulad ng aso
- Natuto na ang mga tao na gumamit ng kasangkapang kahoy kagaya ng:
1. Palakol
2. Adge gouge
- Nalinang na ang kakayahan ng tao sa pagkakapintero at pagimbeto ng mga bagay na gawa sa kahoy tulad ng paragos (sleigh) ang kauna-unahang sasakyang naimbento ng tao
3. Neolitiko
- Nagsimula ito nong 8,000 B.C
- Lumaganap na sa maraming bahagi ng mundo ang produksiyon ng pagkain
- Nagsimula nang magtanim at magsaka ang mga tao
- Mayroon na silang permanenteng tirahan
- Dito din nagsimula ang pagpapalayok
- Natutunan din ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik o bricks sa paggawa ng kanilang mga bahay.
- Natutunan na nilang pakinisin ang mga magagaspang na baton a may ibat-ibang uri at laki ayun sa kanilang pangangailangan.
- Natuto na din silang mag-alaga ng mga hayo kagaya ng kabayo, baka at asno bilang gamit nilang mga sasakyan na siyang taga hila ng karwahe
- Dito din nag simula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang Sistema ng mga palitan ng produkto ng mga tao.
4. Panahon ng Metal
- Ito ang panahon ng
1. Panahon ng Tanso
2. Panahon ng Bronze
3. Panahon ng bakal
- Sa panahong ito kauna-unahang na diskobre ang tanso bilang isa sa mga uri ng metal. Ito ay nakuha sa buhangin sa gilid ng ilog tigris.
- Ang tanso ay mas matigas sa ginto at hinulma ito ng mga tao sa pamamagitan ng pag panday na unang ginamit sa Asya,Europa at Egypt.
- Sa panahon naman ng bronze. Natutunan ng tao nap ag haluin ang tanso at lata.
- Natuto ang mga tao na makipagkalakalan sa karatig lugar
- Sa panahon naman ng bakal ay natutunan ang pagpanday. Inilihim nila ang pag tunaw at pag panday ng bakal kung kaya umunlad ang kanilang kabihasnan at ang madalas na pagwawagi sa digmaan.
- Lumaganap ito sa Asya, Africa at Europa
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa katangian ng yugto ng kabihasnan buksan lamang ang link sa ibaba:
brainly.ph/question/387334
brainly.ph/question/50202
brainly.ph/question/1972692
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.