Ang pagmamahal at pangangalaga sa Asya ay responsibilidad ng bawat isa na naninirahan at nakikinabang sa mga likas na yaman nito. Sa panahon ngayon, kung kailan nakakaranas ng iba't ibang uri ng kalamidad ang Asya ay dapat maintindihan ng mga tao na ito ay senyales ng ating malaking pagkukulang sa pagmamahal at pangangalaga natin sa Asya. Dapat nating alalahanin na tayo ang maghihirap sa huli kapag hindi natin ibinigay ang pagmamahal at pagpapahalagang nararapat sa bansang Asya.
Maipapakita lamang nating ang ating taos-pusong pagmamahal at pagpapahalaga sa ating bansang Asya kapag itinigil natin ang mga gawaing nakakapinsala dito gaya ng walang humpay na pagmimina, pagka-kaingin, pagda-dynamite fishing at marami pang iba. Matuto sana tayong magpahalaga sa ating mga sarili para maibigay natin ang wastong pagmamahal at pagpapahalaga sa iba tulad ng kontinenteng ating ginagalawan ngayon - ang Asya.