Ang mga kwentong bayan ay mga kwento mula sa iba’t ibang bayan ng ating mundo. Ito ay isang piksyon o hindi katotohanang kwento.
Ngunit ano ba ang kahalagahan o silbi ng mga kwentong bayan sa ating mga ninuno?
Ang mga kwentong bayan ay naging kanilang batayan o paniniwala sa mga iba’t ibang lugar sa ating mundo. Hindi lamang sa lugar kundi pati narin sa mga gawain, kilos at ugali ng mga tao sa iba’t ibang lugar dahil sa kwentong bayan naipaloloob ang din ang kaugaliaan ng mga tao sa iba’t ibang lugar. Ito rin ay naging kanilang aliwan habang sila ay wala pang ginagawa sa kanilang panghanap buhay. Ang mga kwentong bayan ay nagiging bahagi na rin ng kanilang mga buhay sapagkat ito ay naipapasa nila sa kanilang mga anak at sa mga anak ng kanilang mga anak. Sa isang sabi ay kasama na ito sa kultura ng bawat isa sa atin.