IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

ano ang mga isyu tungkol sa mediterranean ?

Sagot :

        Kilala bilang duyan ng sibilisasyon, ang rehiyon  ng Mediterranean ay napapailalim sa interbensyon ng tao para sa millennia. Gayon pa man ang  rehiyon  pa rin ay  isang mahalagang mapagkukunang byolohiko.

       Ang napapnahong presyur ng populasyon ay inaasahan din. Higit sa 100 milyong mga turista pagkulupunan sa baybaying dagat ng Mediterranean bawat taon at ang bilang na ito ay inaasahan na dudoble sa  taong 2025. Upang magsilbi itong lumalagong negosyo,ang mga  likas na yaman ay pinapalitan na ng modernong resort. Ang  pahingahaan at pugaran ng mga nanganganib na loggerhead  na pagong (Caretta-Caretta) ay winasak upang tumanggap ng mga pasilidad ng mga turista; at ang mga dagdag na polusyon na nabuo ay madalas itinapon lang sa dagat na nagdudulot ng banta sa buong  balanse ng  ekosistem ng rehiyon.


       Ang dagat Mediterranean  din ay isa sa mga malalaking ruta ng transportasyon ng langis at hanggang sa isang milyong tonelada ng langis na krudo ay pinalabas taun-taon mula sa aksidenteng pagkatapon, illegal bunkering at paglilinis ng tanke, pati na rin ang hindi sapat na pasilidad sa paggawa.  
         Ang polusyon ay umabot din sa Mediterranean sa pamamagitan ng kanyang mga pangunahing sisitema ng ilog: Po, ang Ebro, ang Nile, at ang Rhone kung saan may dalang malaking halaga ng mga basurang pang-agrikultura at pang-industriya.
         Ang Mediterranean ay nakaharap sa isang matinding dagok. Ang pagkilala ng nabubuong  krisis sa Mediterranean ay ginawang mas mataas na pampulitikang isyu upang harapin ang mga problema sa kapaligiran at upang matiyak ang katatagan at pagpapanatili ng ekonomiya at lipunan.