IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon sapagkat sa ating mga likas na yaman tayo kumukuha ng ating ikabubuhay,lalo na ang ating mga magsasaka at mga mangingisda,sa klima naman ay nagagamit din natin ang ibat-ibang klima sa bawat lalawigan sa ating bayan katulad nalang sa Benguet na mayroong malamig na klima dahil nasa mataas na bahagi ito,nagagamit nila ito upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan nagtatanim sila ng mga ibat-ibang mga halaman katulad ng gulay at bulaklak na tumutubo lamang sa mga lugar na may malamig na klima at kanilang ipinagbibili sa mga karatig lugar maging sa kamaynilaan.Ang malamig na klima din sa Benguet ay nagagamit nila sa pag unlad ng kanilang kabuhayan dahil sa malamig nitong klima ay tinagurian itong Summer Capital of the Philippines ang lunsod ng Baguio. Na dinarayo ng mga torista kaya nagtayo sila ng mga hotel at mga pasyal dahilan upang magkaroon ng trabaho ang marami sa kanila. At nakapagtayo naman ng mga negosyo ang ilan sa kanila.
Uri ng pang kalahatang klima sa Pilipinas:
- Tag -araw
- Tag-ulan
Tag-araw, kung saan mainit ang klima karaniwang pinagkikitaan o ang kabuhayan ng ating mga kababayan ay pagtatanim ng halaman na pwedeng itanim at anihin kung tag-init,Kung tag araw rin ay malakas ang kita ng mga may ari ng mga resort maliit man o malaki dahil talagang sila ay dinarayo ng mga tao upang maligo dahil nga sa init ng panahon.
Tag-ulan,kung saan malamig naman ang klima.ito naman ang panahon ng pagtatanim ng mga tao ng mga halaman na nabubuhay lamang kung malamig ang klima ng panahon na siyang ikinabubuhay naman nila sa ganitong pagkakataon.
Tinatayang mula buwan ng Nobyembre hanggang Mayo ang tag-araw sa atin,samantalang ang Tag-ulan naman tinatayang mula buwan ng Hunyo hanggang Oktubre.
Likas na yaman sa Pilipinas na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao.
- Yamang mineral
- Yamang lupa
- Yamang tubig
- Yamang gubat
Yamang Mineral- ito ay tumuturing sa mga bagay na naminina o nakukuha mula sa ating mga kabundukan at ilalim ng lupa.
Mga halimbawa nito
- Copper
- Ginto
- Mga ibat ibang uri ng mamahaling bato
- Diyamante
- Marmol
Yamang Lupa – ito naman ay tumuturing sa mga bagay na itinatanim natin sa ating mga lupain,na pangunahing ikinabubuhay ng mga magsasaka.
Mga halimbawa nito:
- Palay
- Mga puno at ibat- ibang klase ng prutas
- Abaka
- Mais
- Mga bulaklak
- Mga halamang gamot
Yamang tubig – tumuturing naman ito sa bagay na nakukuha natin sa ating mga anyong tubig katulad ng dagat,ilog,lawa,sapa,talon. Karaniwang ikinabubuhay ng yamang tubig ang mga mangingisda.
Mga halimbawa nito:
- Ibat-ibang uri ng isda
- Alimango
- Hipon
- Kasag
- Pusit
- Mga korales
- Mga perlas
Yamang gubat – ito naman ay tumuturing sa mga hayop o mga bagay na makikita natin sa ating mga kagubatan at kabundukan,na ikinabubuhay naman ng ating mga katutubo na naninirahan sa ating mga kabundukan at kagubatan. Ngunit ang ilang sa mga likas na yaman natin na makikita sa kagubatan ay nanganganib na maubos na.Dahil narin sa walang habas na paghuli at pag patay sa mga ito,gayon din ang walang habas na pagputol sa mga punong kahoy
Mga halimbawa nito:
- Mga ibat-ibang klase ng punong kahoy
- Usa
- Agila
- Tamaraw
- Tarsier
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Paano nakaka apekto sa mga Pilipino ang klima sa Pilipinas https://brainly.ph/question/671364
Klima na nararanasan sa Pilipinas https://brainly.ph/question/554113
Tawag sa klima sa Pilipinas https://brainly.ph/question/669467
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.