"Ang ekonomiks ay kaakibat sa pang araw araw na kabuhayan"
Ang ekonomiks ay patungkol sa kung papaano natutugunan ang pangangailangan ng tao base sa likas-yaman/produkto na maaring maibigay. Ang ekonomiks ay mahahalintulad sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao. Katulad ng pagba-budget sa isang tahanan sa pang-araw-araw na gastusin na limitado lamang ang perang kailangang gamitin. Paghahanap ng trabaho upang magkaroon ng katatagan ang pamumuhay at pagpapalago ng negosyo upang magkaroon ng dire-diretsong magandang kita.