Ang Infomercial o information commercial ay isang programa sa telebisyon na umeere ng 15-30 minuto bilang isang talkshow. Ito ay kadalasang naglalayon na ipakilala o ipalaganap ang isang uri ng produkto at serbisyo sa pamamagitan ng pagpapakita ng gamit at kabutihang idudulot nito. Kadalasan itong ipinapalabas sa hatinggabi o sa umaga.