Ito ay isang dalit na namumuna sa pamamagitan ng pagpaparining kung saan ginamit ang hambingan ng sapsap at apahap sa paraang nakakatawa. Pinaparinggan ang social climber ng nagsasalitâ ngunit sa paraang masiste, ang sarili ang inihahambing sa apahap na nakikiyabang sa piling ng mas malalaki’t mamahaling apahap. Yung tipong pilit mong isiniksik ang iyong sarili sa grupo ng mas matataas at mayayaman sa iyo .