Nanaig - (Ingles: prevailed) - nangibabaw; nagwagi; nananaig; naghahari
Kung gagamitin sa pangungusap:
Laging nananaig ang kabutihan sa kasamaan.
Pagkainggit - salitang ugat ay "Inggit" - (Ingles: envy) - pagkainggit; pangingimbulo; o pananaghili; (bagaman mas mahina ang hili kaysa inggit)
Kung gagamitin sa pangungusap:
Dahil sa pagkainggit, nagnakaw siya ng pera para lamang makabili ng cellphone na gaya ng sa kaklase.
"Nanaig ang pagkainggit" - Mas nangibabaw ang pangingimbulo
Kung gagamitin sa pangungusap:
Mas nanaig ang pagkainggit ni Venus kay Psyche kaya nagplano siya nang masama laban dito.