Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

mga halimbawa ng paglalarawan

Sagot :

Answer:

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay pagpapakahulugan o maari ding pagbibigay turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa na kung tawagin ay pang-uri.

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ang ibig sabihin ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan.

Halimbawa ng paglalarawan o pang-uri na ginamit sa pangungusap;

  • maganda

Maganda ang damit na nabili ni Nena.

  • masarap

Masarap ang niluto ni nanay na meryenda.

  • matalino

Si Ben ay isang matalinong bata sa aming klase.

  • mataas

Mataas ang puno ng niyog.

  • pulang-pula

Pulang-pula ang nabiling damit ni Stella.

  • mahiyain

Si Marta ay mahiyain dahil hindi siya sumasali sa paligsahan.

  • maliit

Maliit ang binigay na tinapay ni Luz sa pulubi.

  • masunurin

Si Cyrelle ay isang masunuring anak.

  • mataba

Si ate ay mataba dahil siya ay kain ng kain.

  • mapayat

Hindi kumakain ng gulay at prutas si Liza kaya siya mapayat.

  • malawak

Malawak ang aming silid-aralan.

  • malaki

Malaki ang nakuha niyang mangga sa puno.

  • kayumanggi

Kulay kayumanggi ang kanyang balat.

  • mabait

Si Bb. Cruz ay isang mabait na guro.

  • matipid

Palagi siyang may tirang baon si Myrna kaya siya ay matipid.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Halimbawa ng Pang-Uri; brainly.ph/question/104665

#BetterWithBrainly