Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
ANG LAYUNIN NG LIPUNAN AY PANGKABUTIHAN NG LAHAT
Ang salitang lipunan mula sa salitang lipon ay nangangahulugan ng grupo o pangkat. Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin o tunguhin para sa kapakanan ng lahat ng miyembr nito. Ito ang dahilan ng pag-iral nito- ang layunin.
Ang mga dapat isaalang-alang para makatulong sa layuning ng lipunan:
- Kabutihan ng LAHAT at hindi ng NAKARARAMI
- Kailangan ang KATARUNGAN
- Ang PAGGALANG sa indibidwal na tao.
- Ang MAGAGAWA mo
Kabutihan ng LAHAT at hindi ng NAKARARAMI
Bilang isang mag-aaral, dapat lahat ng kilos at opinyon ko ay hindi lamang para sa ikabubuti ng marami kundi ng lahat. Hindi dapat ako papayag at makukumpurme kapag may mga inaabuso, nilalamangan at hindi natutulungan.
Kailangan ang KATARUNGAN
Nararapat na manaig ang panlipunan at sibil na pagkakaibigan at HINDI KALAYAAN. Ang lahat ay may:
- kalayaan
- rasyonal
- intelektwal
- freewill
Ngunit kung hahayaan ko na ang kalayaan ay maging dahilan ng pang-aabuso, hindi ito ikabubuti ng lahat. Dapat ay makatarungan ang aking mga pipiliing gampanin sa lipunan. Bilang isang mag-aaral, pipilitin kong mag-aral ng hindi nangongopya o umaabuso ng kabutihan ng mga kaklase.
Ang PAGGALANG sa indibidwal na tao
Hindi rapat manaig ang pagkamuhi at ang masamang epekto nito. Bilang isang mag-aaral, sisiguruduhin kong ang paggalang ay hindi mawawala sa aking sistema. Ang pagrespeto ay nangangahulugang may pagpapahalaga sa buhay ng bawat isa.
Ang MAGAGAWA mo
“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” -Pang. John F. Kennedy
Sisikapin kong maging magaling, matalino, may karunungan at mapagmahal sa bayan para ako ay maging instrumento ng pag-unlad ng lipunang kinabibilangan.
Karagdagang Impormasyon
Ano ang kahalagahan ng lipunan? Basahin sa link na ito: https://brainly.ph/question/586980.
Mayroong istraktura ng lipunan na dapat mayroon ang isa, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1516290.
Ang pagkakaiba ng lipunan noon at ngayon ay mababasa sa link na ito: https://brainly.ph/question/129478.
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.