Ang Dead Sea, Dagat Patay o Dagat Alat ay isang lawang nakalatag sa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan.
Halos imposibleng may buhay na umiral sa katubigang ito dahi napakaalat ng Dagat Patay o Dead Sea.
Ito ang dahilan kung bakit ganito ang tawag dito.
May ilang uri ng bakterya lamang ang nakakapamuhay sa katubigang ito.
Dahil napakaalat ng tubig ng lawang ito, mas mabigat ito kaysa sa tubig-tabang, at madaling nakalulutang ang isang tao nang may ginhawa.
Halos siyam na ulit na mas maalat ito kaysa dagat.